WIKA NG PAGKAKAISA
Tayo ay nagmula sa iba't-ibang sulok ng ating bansa,
kaya't naroon ang iba-ibang uri ng pananalita o linggwahing kinalakihan. Sa pamamagitan
nito nahati o nakakalito ang bawat salitang ginagamit. Gayun pa man marapat na
Tagalog ang may isang uri ng wika upang maging daan na magbibigkis para sa sa
iisang bansa. Wikang Filipino wika ng kapayapaan,
tungo sa pagkakaisa at pag kakaunawaan para sa pag unlad ng bansang Pilipinas.
Naway mamulat tayo sa mga kaganapan sa ating bansa. Kriminalidad, kahirapan at
korapsyon. Gamitin natin ang wikang ipinagkaloob ng Panginoon tungo sa maunlad
na bansa. Gamitin natin ang ating tinig upang makamit at matamasa ang kapayapaan
at maunlad na buhay. Mabuhay ang Pilipinas! Ika nga ni gat Jose Rizal
"Ang hindi magmahal sa kanyang salita ay mas higit pa sa malansang
isda". Nararapat lamang na tangkiliin natin ang sariling atin sapagkat ito
lamang ang makapagbibigay linaw tungo sa mapayapang buhay. Huwag lang sana
natin ito aalahanin tuwing darating ang buwan ng Agosto sapagkat nararapat
lamang na atin itong ipagdiwang sa araw-araw na buhay natin. May kanya-kanyang
sariling wika ang isang bansa upang maipahayag ang hinaing ng bawat isa. Hindi
lamang ito basta-basta ipinagdiriwang sapagkat hangad nito na ipaunawa sa bawat
isa na dapat na hindi natin dapat talohin ang kapwa nati'y Pilipino, hindi
natin dapat sinasaktan ang bawat isa at lalong-lalo na hindi natin dapat
niloloko ang ating kapwa sapagkat maaaring ang kasalanan ng isa, buong bansa
ang magdudusa... FILIPINO ang wika ko, wika ng pag-uunawaan tungo sa
pambansang pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment